DAVAO CITY – Agad nasampolan ng paglabag sa ordinansa ng Davao City ang apat na atleta mula sa Central Visayas matapos mahuling nag-iinuman sa pampublikong lugar.

Hindi na pinangalanan ni Vices Regulation Unit (VRU) chief Dr. Ashley Lopez ang mga nasitang kabataan na kasalukuyan umanong naka-quarter sa University of the Philippines Obrero Campus.

Ayon kay Lopez, nileksyunan lamang tungkol sa Sobriety Ordinance ang mga atleta bilang first time visitor sa siyudad.

Sa ilalim kasi nito mahigpit na ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan ang pag-inom ng alak saan mang pampublikong lugar.

Sa ngayon nasa 70 VRU enforcers umano ang ipinakalat sa siyudad kasabay ng Palarong Pambansa 2019.

-- Advertisement --