hd1
-- Advertisements --

Ginawaran ng kauna-unahang Philippine Senate Medal of Excellence ang apat na Filipino medalist sa nakaraang Tokyo Olympics sa bansang Japan.

Ito na ang pinakamataas na parangal mula sa mataas na kapulungan ng Kongreso.

Dumalo sa awarding si weightlifter at Olympics goldmedalist Hidilyn Diaz, boxer silver medalist Carlo Paalam, silver medalist Nesthy Petecio at bronze medalist Eumir Marcial.

Kasabay nito, ibinigay din ng mga senador ang P1-million kay Diaz, tig-P500,000 kina Petecio at Paalam, habang P400,000 naman para kay Marcial.