Patay ang apat na miyembro ng kidnap for ransom group (KFRG) sydicate matapos ang ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Anti Kidnapping Group (AKG) sa Carmona, Cavite, kaninang alas-4:36 ng madaling araw

Ito ang kinumpirma ni Cavite Police Provincial Director S/Supt. William Segun.

Aniya, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng PNP-AKG sa pangunguna ni P/Supt. Arthur Masongsong laban sa grupo ng KFRG dahilan ng pagkamatay ng mga ito sa San Lazaro Road, Sitio Ulong Tubig, Barangay Mabuhay, Carmona.

Sa ulat pa ng PNP, nagsimulang i-surveillance ang grupo kagabi pa lamang mula sa may Pala-Pala, Dasmarinas, Cavite, pero nagkabarilan sa bahagi na ng Carmona.

Nakuha ng pulisya sa pinangyarihan ng shootout ang tatlong 9mm at isang kalibre 45 baril.

Sa ngayon kakaalis lang ng apat na bangkay sa crime scene at dinala na sa punerarya.