-- Advertisements --
DTI LOGO

Iniulat ng Department of Trade and Industry (DTI) na nasa 92 percent suggested retail price (SRP) compliance rate ang apat na mga siyudad sa National Capital Region matapos isinailalim sa inspections.

Ayon sa DTI una nang naglunsad ang Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) ng “Sweeptember” inspections sa Metro Manila para matiyak ang stable prices at supply ng mga basic at prime commodities.

Kabilang sa pinuntahan ng DTI teams ay ang mga retail firms sa Pasig, Parañaque, Malabon at Quezon City.

Sinabi pa ng DTI na nasa 76 na retail firms na kanilang ininspeksiyon, nasa 70 ang compliant sa SRP bulletin na unang inilaban nila noong Agosto.

Ang anim namang tindahan ay inisyuhan ng Letter of Inquiry dahil sa pagbebenta ng mga produkto na lagpas sa itinakda ng suggested price ng DTI.