Simula ngayong araw, apat na bagong ruta ang idinagdag ng Department of Transportation (DOTr) para sa biyahe ng mga city buses sa ilalim ng general community quarantine ng Metro Manila.

Batay sa inilabas na advisory ng DOTr, 54 na bus units ang pinayagang bumiyahe sa rutang Monumenti-Valenzuela Gateway Complex. May 78 units din na balik kalsada sa rutang Gilmore-Taytay.

Biyaheng Buendia-Bonifacio Global City naman ang 22 unit bus; samantalang Monumento-San Jose Del Monte ang 21 iba pang bus.

Kabuuang 105 na mga unit ng bus ang inaasahang magbabalik lansangan ngayong araw. Ang mga ito ay karagdagan mula sa mga bus units na na nabiyahe sa pitong ruta na una nang inaprubahan ng DOTr.

Una nang sinabi ng Transportation department na madadagan pa ang ruta na kanilang bubuksan habang umuusad ang GCQ sa National Capital Region.