-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Binuwag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-BARMM) ang isang drug den o pugad ng mga sangkot sa pinagbabawal na droga sa Cotabato City.

Nakilala ang mga suspek na sina Jaypee Fernandez Dela Cruz, Mary Joy Paraba Dela Cruz,Jonathan Lambo Cabantog, John Lloyd Fernandez at isang menor de edad ang nailigtas, na mga residente ng Barangay Rosary Heights 13 Cotabato City.

Ayon kay PDEA-BARMM Regional Director Juvinal Azurin na nagsagawa sila ng drug buybust operation sa Brgy RH 13 sa lungsod katuwang ang City PNP, Marine Battalion Landing Team (MBLT-2) at City Drug Enforcement Unit.

Nang i-abot na ng mga suspek ang shabu sa PDEA-Asset ay doon na sila hinuli at pinosasan.

Narekober sa mga suspek ang 25 grams na shabu na nagkakahalaga ng P170,000.00 , marked money, cellphone, drug paraphernalia at mga personal na kagamitan.

Ang mga suspek ay nakapiit na sa costudial facility ng PDEA-BARMM at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.