ROXAS CITY – Sugatan ang apat na katao kabilang na ang isang menor de edad matapos inararo ng isang van ang fruit stand o tindahan ng mga prutas sa Barangay Mianay, Sigma, Capiz.

Kinilala ang mga biktima na sina Sheila Mae Villasoto, 25; Marilyn Esico, 56; isang 1 taong gulang na bata at Jurel Soletario, 23, driver ng van.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nawalan ng kontrol sa kaniyang manibela si Soletario kaya’t bumangga ito sa fruit stand sa gilid ng daan.

Kaagad namang dinala sa ospital ang mga biktima, kabilang na ang driver para sa karampatang lunas.