GENERAL SANTOS CITY – Arestado ang apat na indibidwal na isinasangkot sa huling insidente ng pambobomba sa Isulan, Sultan Kudarat kamakailan.

Sa bisa ng search warrant, nadakip ng pinagsamang pwersa ng militar at pulis ang subject na sina Normia at Norshiya Camsa sa bahay ng mga ito sa Brgy. Kapaya, Bagumbayan.

Nakuha mula sa dalawa ang isang unit ng calibre-.45 na baril, bala at pinaniniwalaang improvised explosive device.

May nakumpiska ring galon ng umano’y ammonium nitrate powder na sangkap sa paggawa ng pampasabog.

Pati na bala ng M-16 rifle, backpack na may watawat ng ISIS at shotgun.

Bukod sa dalawa, dawit din sa mga naaresto ang Swedish national na si Hassan Akgun at Abedina “Beds” Camsa.

Ayon kay police Col. Henry Villar, nasa kustodiya ng Sultan Kudarat Provincial Police Office ang apat na suspek.

Pinaniniwalaang sympathizers ng ISIS ang apat, kabilang na ang dayuhang naaresto.