GENERAL SANTOS CITY – Kinumpirma ni Dr. Sharir Dulduco ng DOH-Sarangani-GenSan na apat(4)mga foreigners ang person under monitoring (PUM) dito sa lungsod.

Sinabi nito sa Bombo Radyo GenSan na dalawa rito ay Vietnamese at dalawa rin ang Cambodians na kasalukuyang naka-quarantine sa nirentahang safehouse upang silay mamonitor sa loob ng 14 na araw.

Ayon kay Dr. Dulduco, noong nakaraang linggo pa dumating sa GenSan ang mga naturang dayuhan matapos na inimbitahan ng isang fishing company para sa isang technical assistance.

Ipinaliwanag sa apat na papayagang makauwi sa kani-kanilang bansa kung matatapos ang kanilang quarantine at mabibigyan ng medical clearance ng DOH.

Patuloy ang monitoring ng DOH sa apat kung saan wala pa naman umanong ipinakitang signs and symptoms ng coronavirus disease (covid) 2019.