Isinusulong ng mga economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte ang apat na pare-parehong mahahalagang panukala na kinabibilangan ng pagpapasigla sa sektor ng agrikultura, paghingi ng tulong sa mga state banks sa mga distressed businesses at matiyak na makarekober kaagad ang ekonomiya ng bansa mula sa COVID-19 crsis.

Sa isinagawang presentasyon ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa business committee, binigyang-diin nito ang pangangailangang sa lahat ng mga panukalang economic stimulus measures kabilang na ang nakabinbin ngayon sa Kongreso.

Ayon kay Sec. Dominguez, para sa malakas na pagsipa ng ekonomiya, kailangan dito ang (1) pagbubuhos ng mas maraming kapital o puhunan sa mga government financial institutions (GFIs) para matulungan nila ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) at iba pang kompnyang matinding tinnamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic; (2) payagan ang mga bangko na mag-dispose ng mga non-performing loans and assets; (3) pagbawas ng corporate income tax (CIT) rate mula 30 hanggang 25 percent at investor-friendly reforms sa pamamagitan ng mabilis na pagpasa ng Kongreso sa recalibrated Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act (CREATE); at (4) pag-amyenda sa Agri-Agra Reform Credit Act para mas mapadali sa mga bangko na magbuhos ng bagong puhunan sa farm sector.

Inihayag ni Sec. Dominguez na na kahit pa malakas at matatag ang ekonomiya, ang pondo ng bansa hindi “limitless” kaya paulit-ulit nilang iginigiit sa mga stakeholders kabilang sa Kongreso na magkaroon ng makatotohanang economic recovery program lalo pa’t hindi alam kung kailan matatapos ang pandemic.

“Even with a strong and resilient economy, our funds are not limitless. What we constantly underscore with various stakeholders, including the Congress, is the need to have a realistic economic recovery program that is fiscally sustainable because we do not know how long this pandemic will last. Support from the government must be targeted and focused on efforts that will yield the highest multiplier effect on the economy,” ani Sec. Dominguez sa pagbubukas ng Sulong Pilipinas e-conference kasama ang business community ngayong araw.