-- Advertisements --

May apat nang confirmed COVID-19 cases ang naka-confine ngayon sa Cardinal Santos Medical Center (CSMC).

Batay sa statement ng ospital, kabilang ang apat ng confirmed cases sa 20 indibidwal na nagpa-konsulta sa kanilang specialized emergency room noong Linggo.

“Yesterday, we had a total of 20 consultations in the Specialized ER with 16 suspects and four confirmed COVID-19 patients. Of these, six were admitted,” nakasaad sa statement.

Sa ngayon may 18 pasyente raw ang nagpapakonsulta sa kanilang specialized ER. Ayon sa ospital, maituturing ito na increase mula sa walo hanggang 10 pasyente na nagpapakonsulta sa kanila noong Hunyo.

“This update is not issued to stir panic in our CSMC community but serves to remind us not to let our guards down.”

Isa lang ang CSMC sa mga ospital sa Metro Manila na tumatanggap ng COVID-19 patients.

Pero hindi ito kasali sa 11 pagamutan na tinukoy ng Department of Health na may 100-percent utilization rate na sa kanilang ICU beds para sa mga infected ng sakit.