Arestado ang apat na Chinese nationals matapos maaresto sa ikinasang operasyon ng mga pulis sa Pasay City, madaling araw noong Sabado, September 29,2018 sa loob ng isang hotel.

Batay sa report na inilabas ng Southern Police District (SPD) dinukot ng mga suspeks ang kapwa nilang kababayan na nakilalang si Xiao Jie, 25-anyos, cashier at naka billet sa isang residential resort sa Pasay.

Nakilala ang apat na Chinese suspeks na sina: Wu Ping, Wang Xin Nong, Wie Wang at Wu Luo isang negosyante at lahat nakatira sa Binondo, Manila.

Ang nasabing insidente ay inireport sa pulisya ng kaibigan ng biktima na si Zhinkun Guo isang casino agent at humingi ng tulong sa mga pulis para marescue ang kaibigan nito.

Batay sa ulat dalawang tinorture din ito sa loob ng dalawang araw.

Hiling kasi ng mga suspeks ang nasa P470,000 kapalit ng kalayaan ng biktima.

Dahil sa nasabing report agad ikinasa ng PNP ang operasyon na naging dahilan sa pag aresto sa apat na mga suspeks.

Kasong kidnapping at serious illegal detention ang isasampang kaso laban sa apat na Chinese.