CENTRAL MINDANAO – Binomba ng Field Artillery Battalion ng Philippine Army ang kuta ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa probinsya ng Maguindanao.

Una nang namataan ng mga tauhan ng 40th Infantry Battalion (IB) ang grupo ni Kumander Bungos sa hangganan ng Brgy Pamalian, Shariff Saydona, Mustapha at Mamasapano, Maguindanao.

Agad humingi ng artillery fire ang 40th IB kaya pinasabugan ang BIFF gamit ang 105mm howitzers cannon.

Mismo ang mga sibilyan ang nagsabi na apat umano sa mga terorista ang nasawi at may mga sugatan na tinamaan ng mga bala ng kanyon.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang inilunsad na law enforcement focus military operation ng Joint Task Force Central laban sa tatlong paksyon ng BIFF sa Maguindanao.