Arestado ang dalawang construction workers at dalawang tricycle driver sa ikinasang anti-drug operations sa Malabon kagabi.

Unang naaresto ang tricycle driver na si alyas Ronald ng Brgy. Concepcion kung saan nahulian ito ng droga na nagkakahalaga ng P4,000.

Matapos ang ilang oras ay matagumpay din na naaresto ang dalawang construction workers at isang tricycle driver sa brgy. Longos.

Nakumpiskahan ang mga ito ng 2 sachet ng shabu 2 sachet na hinihinalang marijuana.

Inihahanda na ang kaso laban sa mga naarestong suspek.

-- Advertisement --