Reading Time: 1 minute

Arestado ang apat na lalaki sa isinagawang anti-drug operations sa Barangay Tejeros, Makati City.

Nakuha sa mga suspek ang 128 pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P25,000.

Sinabi ni Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, kasamang naaresto ang target ng operasyon na si alyas “Badboy”.

Inihahahanda na ng mga otoridad ang kaso laban sa mga naarestong suspek.