Arestado ang apat na mga suspeks, kabilang ang tatlong Taiwanese at isang Pinay sa tangkang pagpuslit ng kemikal na sangkap sa paggawa ng iligal na droga.

Isinagawa ang operasyon kaninang madaling araw sa may shoreline ng Purok Visayan Village, Barangay Dinahican, Infanta, Quezon nang pinagsanib na pwersa ng PNP Drug Enforcement Group, Infanta Municipal Police Station, PNP Maritime Group, at PDEA-4-A.

Nakilala ang apat na naarestong indibidwal na sina Jhuo tian-You alias Pempao, Wang Ching-Huang alias Wang, Lin Ching-Weng alias Awon at Kimberly De Vera.

Kasong paglabag sa RA 9165 ang isasampa laban sa apat na mga indibidwal.

Nakumpiska sa apat na suspeks ang 10 sako ng kemikal na hinihinalang ginagamit sa paggawa ng shabu at 22 gallon na may 30 liters capacity na naglalaman ng liquid substance.