Haipong Vietnam
Haipong Vietnam

Inaresto ng mga kapulisan sa Vietnam ang nasa 380 Chinese dahil sa pagpapatakbo ng pinakamalaking underground gambling operations.

Pinagbabawal kasi sa Vietnam ang lahat ng uri ng sugal maliban subalit pinapayagan ang mga dayuhan na magsugal sa mga local casinos.

Pawang may edad mula 18 hanggang 24 ang mga naaresto na nag-ooperate ng online gambling websites sa Haiphong City.

Ayon sa Ministry of Public Security, na ang nasabing gambiling ring ay hinihikayat ang mga Chinese gamblers na tumaya sa mga sports games at lotteries.

Nakumpiska ng mga otoridad ang 2,000 smartphones at 530 computers sa raid.