CAUAYAN CITY- Muling nakapagtala ng 36 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Isabela.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 15 sa naturang bilang ang mula sa Ilagan City, 7 Santiago City, 4 sa Echague,3 sa Cauayan City, tig-dadalawa sa bayan ng Aurora at Alicia, habang tig-iisa sa Cabagan, Mallig at Roxas.

Dahil sa panibagong kaso ay umakyat na sa 449 ang aktibong kaso sa lalawigan.

Labing dalawa ang Returning Overseas Filipinos (ROF), 15 ang non-authorized persons outside residence , 51 ang Health Worker, isa ang pulis at 370 ang mula sa local transmission.

Nadagdagan naman ang mga gumaling ng 15 mula sa nakakahawang sakit.

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi mahalaga ang pupuntahan.