NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang isang lalaki sa bayan ng Paracale, Camarines Norte.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office, kinilala ang biktima na si Helario Diamente Celon, 36-anyos, residente ng Purok-1, Barangay Tawig sa nasabing bayan.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, nadiskubri ang wala ng buhay na katawan ng biktima na mayroong tama ng baril sa ulo nito, kung saaan pinaniniwalaang naging dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, narekober sa pinagyarihan ng insidente ang apat na empty shell ng pinaghihinalaang 9mm at isang empty shell naman ng pinaghihinalaang caliber 45.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbesyigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente habang isinasagawa naman ang post mortem examination sa katawan ng biktima.

-- Advertisement --