Medina Saudi
Medina City

Patay ang 35 pasahero ng bus matapos na ito ay bumangga sa isang heavy equipment sa Saudi Arabia.

Naganap ang insidente ng isang chartered bus ng ito ay bumangga sa isang sasakyan malapit sa Prophet Mohammed’s mosque sa Medina City.

Pawang mga Arab at Asian na mga turista sa lugar.

Itinuturing kasi na pangalawang-pinakabanal ang mosque kasunod ng Mecca.

Itinakbo naman sa pagamutan ang mga sugatang biktima habang patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang nangyaring aksidente.