99424452 193831418405729 3832897027620995072 n

KORONADAL CITY- Kasabay ng pagdiriwang ng ika-122 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan kahapon ay ang pagsuko rin ng nasa 34 na miyembro at mga subleader ng New People’s Army (NPA) sa Bayang ng Norala, South Cotabato.

Ayon kay Norala Mayor Clemente Fedoc na ang simpleng dialogue sana sa una ay 18 miyembro ng rebeldeng grupo ay umabot sa 34 ito ay matapos sumuko rin ang 16 pa na mga rebelde dala ang kanilang mga iba’t ibang uri ng baril.

Dagdag pa ni Mayor Fedoc na posibleng dahilan ng pagsuko ng mga ito ay ang tulong ng gobyerno sa kanilang pagbabagong buhay at higit pa ang kawalan na ng pag-asa pang matupad ang ipinangako sa rebeldeng grupo.

Sa ngayon nabigyan na ng paunang tulong ng lokal na gobyerno ang mga rebel returneess at posibleng madagdagan pa dahil sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) program ng pamahalaan.