Kinumpirma ng Bureau of Corrections na nasa 33 na ang sumusukong convicts kung saan siyam dito ang sumuko sa mismong BuCor headquarters in Muntinlupa City, 20 sa Cagayan province, tig isa sa Pasay City, probinsiya ng Cebu, Laguna at Ifugao.
Sa datos naman ng PNP National Operation Center (NOC) ng Camp Crame nasa 13 convicts na ang naitalang sumuko as of 12 midnight ng September 5, 2019 sa buong bansa.
Sa nasabing datos, 11 ang sumuko sa PRO-2; isa sa PRO7 at isa sa NCRPO.
Ang mga krimen na kinasasangkutan ng mga nasabing preso lima dito ay murder; tatlo ang rape; dalawa ang nahaharap sa robbery with rape; isa ang murder and robbery; isa ang attempted rape with homicide at isa ang lumabbag sa RA 6425-1.
Ayon kay PNP Chief PGen. Oscar Albayalde, batay sa kanilang monitoring na hanggang sa ngayon marami pa ang sumusuko habang ang iba ay dumidiretso na sa Bureau of Corrections (Bucor).
Ang mga sumukong preso sa PNP ay mananatili muna sa kanilang kustodiya para sa documentation at isinailalim sa medical examination.
Ibinunyag naman ni NCRPO chief MGen. Guillermo Eleazar na hindi pa rin sila binibigyan ng kopya ng Bucor hanggang sa ngayon.