Inihayag ng Singapore ang kanilang unprecedented stimulus plan na nagkakahalaga ng S$48 billion (US$33.7 billion) bilang tulong sa ekonomiya ng bansa na lubha ring naapektuhan dahil sa coronavirus pandemic.

Ang hakbang na ito ay isang agresibong paraan umano ng gobyerno ng Singapore na tugunan ang krisis na naging dahilan kung bakit nahihirapan kumilos ang ekonomiya ng mga bansa sa buong mundo.

“Today, I will introduce measures worth over S$48 billion in this ‘Resilience Budget’, to deal decisively with the situation at hand,” saad ni Deputy Prime Minister Heng Swee Keat. “This is a landmark package, and necessary response to a unique situation.”

Inaprubahan naman ni President Halimah Yacob ang pagbabawas ng S$17 billion mula sa national reserves ng bansa.

Ayon kay Yacob binigyan umano niya ng go signal ang natuirang proposal sa kabila ng malaking epekto nito sa Singapore.

Sa kabila nito ay hinikayat niya ang mga mambabatas na pag-isipan ng mabuti ang naturang plano ng gobyerno.

“Let me be clear upfront. My message is not meant to influence the parliamentary discussions that follow,” she said. “I urge honourable members of this house to debate the package rigorously and help sharpen the proposed measures,” ani Yacob.