Umakyat na sa 32 katao ang namatay habang 1,025 naman ang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa Estados Unidos.

Ito’y matapos mamatay ang 69-taong gulang na lalaki na nakatira sa Bergen County, New Jersey dahil sa matagal nang iniindangn sakit tulad ng emphysema, diabetes at hypertension.

Maraming estado na rin ang nag-deklara ng state of emergency tulad na lamang ni Michigan Gov. Gretchen Whitmer matapos nitong ianunsyo ang kauna-unahang kaso ng coronavirus sa estado.

Sa New York naman ay inanunsyo ni Gov. Andrew Cuomo ang pagpapatupad ng containment area na sesentro sa New Rochelle na matatagpuan sa labas ng New York.

Isasara sa loob ng dalawang linggo ang lahat ng pampublikong lugar, simbahan at eskwelahan na masasakop ng 1-mile radius containment area.