KORONADAL CITY – Titiyakin umano ng provincial government ng South Cotabato at Philippine National Police-12 ang mga tulong para sa 32 na mga NPA rebel returnees sa bayan ng Tantangan, South Cotabato.

Ito’y matapos ipineresenta ang mga ito sa publiko at isinalaysay ang kani-kanilang mga karanasan habang nasa komunistang grupo bago nagdesisyong bumaba at magbagong-buhay.

Dala-dala rin ng mga ito ang mga sari-saring kalibre ng armas, kabilang na ang ilang mga pampasabog at mortar.

Makakatanggap naman ang mga ito ng pinansyal at pangkabuhayan na ayuda kasabay ng kanilang pagbabalik-loob sa gobyerno.