Vince Dizon
-- Advertisements --

Target ng Pilipinas na mabakunahan ang nasa 250,000 hanggang 300,000 indibidwal kontra COVID-19 kada araw sa oras na dumating na sa Pilipinas ang bulk supply ng bakuna ng bansa ngayong taon.

Sinabi ito ni testing czar Vince Dizon matapos na simulan ng pamahalaan ang COVID-19 vaccination program nito noong nakaraang taon kasunod nang pagdatin ng donasyon ng Chinese drugmaker na Sinovax at ng global alliance na COVAX facility.

Nauna nang sinabi ng pamahalaan na target nilang mabakunahan ang 50 hanggang 70 million Pililipino, o two-thirds ng 108 million na populasyon ng bansa, ngayong taon para makamit ang herd immunity.

Sa ngayon, mahigit 1.1 million doses pa lamang ng COVID-19 vaccines ang dumarating sa Pilipinas.

Sa naturang bilang, 600,000 dito ang CoronaVac at 500,000 doses ang mula sa AstraZeneca.

-- Advertisement --