-- Advertisements --
Inaasahang darating sa Pilipinas sa susunod na linggo ang nasa 300,000 bariles ng diesel na binili ng gobyerno mula sa isang bansa sa Southeast Asia upang matugunan ang pangangailangan sa suplay.
Ang hakbang na ito ng Department of Energy (DOE) at Philippine National Oil Co. (PNOC) ay naglalayong tiyakin ang sapat na suplay sa gitna ng krisis sa Middle East.
Ibebenta ang suplay sa mga pribadong kumpanya ng langis upang makatulong sa kakulangan.
Sapat lamang ang naturang dami ng diesel para sa humigit-kumulang dalawang araw na konsumo ng Pilipinas.
Ang pagbili ay ginawa sa gitna ng inaasahang pagtaas muli ng presyo ng produktong petrolyo sa darating na linggo.
















