Umaasa ang COMELEC na magkaroon ng 30 percent turnou sa overseas absentee voting para sa 2019 midterm elections.

Magmula nang magsimula ang overseas voting noong Sabado, sinabi ni COMELEC spokesperson James Jimenez na mababa ang voter turnout.

Sa kabila nito, hindi nawawalan ng pag-asa ang poll body na makamit o mahigitan pa ang 30 percentage mark katulad nang nangyari noong 2016.

Batay sa datos ng COMELEC, ang voter turnout sa presidential elections nooong 2016 ay pumalo sa 31 percent.