-- Advertisements --

Nasa kustodiya na ng mga pulis ang tatlong suspek na nanloob sa isang gasoline station sa Iloilo at tumangay ng P1.6 million cash.

Ang mga arestado ay sina Christopher Agonsola alias Tata, Mark Galvez alias Mako, at Bryant Naya na pawang residente ng Barangay West Habog-habog, Molo, Iloilo City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Captain Eduardo Siacon Jr, hepe ng Jaro Police Station, sinabi nito na nasa P240,000 na cash lang ang narecover mula sa mga suspek.

Na-recover rin ang isang brand-new na motorsiklo na binili ni Agonsala sa halagang P114,000.

Sinabi rin nito na gumastos rin siya ng P100,000 para sa pa-fiesta sa pinuntahang lugar sa Negros Occidental.

Ang isa pang suspek na si Naya ay nahaharap rin sa isa pang robbery case sapagkat identified rin ito na nanloob rin sa isang gasoline station sa bayan ng Oton, Iloilo noong Mayo.

Ang isa pang suspek na si Galvez kalalabas lamang mula sa kulungan dahil nasangkot ito sa iligal na droga.