Nasa tatlong katao ang sugatan sa suicide bombing sa loob ng mosque sa Kabul, Afghanistan.

Walang grupo pa ang umako sa insidente kung saan naganap ang insidente sa mosque na malapit sa mga bahay.

Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang pinasabog ng suspek ang sarili sa compound kung saan naghuhugas ang mga tao bago pumasok sa mosque.

Inaalam na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng grupo sa sangkot sa insidente.