Tatlong katao ang sugatan kabilang ang isang bata matapos ang naganap na pamamaril sa isang park sa Santa Rosa, California.

Naganap ang insidente sa Jacobs Park malapit sa Link Lane at West Ninth Stree na katabi naman ng Lincoln Elementary School.

Ayon sa kapulisan kaya maraming mga tao sa park dahil nagaganap ang ilang soccer game.

Nasa ligtas na kalagayan ang 10 anyos at 40-anyos na biktima habang ang sugatan na 20-anyos na biktima ay nasa kritikal ang kalagayan.

Mabilis namang tumakas ang suspek lulan ng kaniyang kotse.

Nag-alok naman ang mga opisyal ng $2,500 na reward para agarang pag-aresto sa suspek.