Supreme Court Justices

Isusumite na ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang shortlist ng mga nagnanais na pumalit sa babakantehing puwesto ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin.

Kabilang dito sina Associate Justices Diosdado Peralta at Estela Perlas-Bernabe na nakakuha ng tig pitong boto habang apat na boto naman ang nakuha ni Justice Andres Reyes Jr.

Laglag sa shortlist si Associate Justice Jose Reyes Jr.

Base sa Article VIII Section 9 ng Konstitusyon, mayroong 90 days ang Pangulong Rodrigo Duterte para pumili ng bagong chief justice kapag nagretiro na si Bersamin.

Ang ilokanong chief justice ay magreretiro sa Biyernes, Oktubre 18.