TRump ASEAN summit
US President Donald Trump

Tatlo sa apat na witness na ipinatawag para sa impeachment hearing laban kay US President Donald Trump.

Naimbitahan ng Democrats sina Noah Feldman, professor ng Harvard Law School, Pamela Karlan, professor ng Standford Law School at Michael Gerhardt, professor ng University of North Carolina School of Law.

Habang inimbitahan na witness ng Republicans si Jonathan Turley ang professor ng George Washington University Law School.

Ipinaggiitan pa ng mga key witness ng Democrats na dapat ay managot si Trump dahil sa pakikipag-usap Ukrainian President para sa US Election.

Magugunitang iniimbestigahan si Trump dahil sa pag-uusap nila ng Ukraine President at pinapaimbestiga ang katunggali nito na si dating US Vice President Joe Biden na mariing pinabulaanan naman ng US President.