Wilmington
-- Advertisements --

Sinibak sa puwesto ang tatlong kapulisan ng Wilmington sa North Carolina dahil sa pagrecord ng video na bumabatikos sa mga black American.

Kinilala ang mga ito na Cpl. Jessie Moore, Kevin Piner at Brian Gilmore na agad na tinanggal dahil sa paglabag sa standards of conduct at paggamit ng masasamang salita at nakakainsultong biro.

Makikita rin sa video na sinabi ni Piner na handa na ito sa civil war para tuluyang mawala na sa mapa ang mga black people.

Nadiskubre ang video matapos ang isagawang buwanang inspection at video audit kung saan ang video mula sa patrol car ni Piner ay isa sa ni-review kabilang ang pag-uusap nito kay Gilmore.

Labis naman nagulat si Police Chief Donny Williams ng una niyang malaman ang nasabing insidente.

-- Advertisement --

Bukod sa pagkatangal sa puwesto ay kasama ring pinag-aaralan ng district attorneys office ang mga kasong hinawakan ng tatlong pulis kung may mga pinaburan ba ang mga ito.