LAOAG CITY – May tatlong Pilipino na sa Italy ang nagpositibo ng Coronavirus Disease 2019 o CIVID-19.
Sa report ni Bombo International Correspondent Demetrio “Bong” Rafanan, sinabi niya na ang dalawang nagpositibo sa COVID-19 ay may edad na 63 at 50, kapwa residente sa Milan, Italy.
Sa ngayon, sinabi ni Rafanan na ang naturang dalawang Pilipino ay nasa pangangalaga na ng mga otoridad.
Samantala, ang isa pang Pinay na pinaghihinalaang apektado na rin ng virus ay pinayuhan ni Mr. Rhoderick Ople, pinuno ng Overseas Filipino Worker Watch Italy, na magboluntaryo nang magpa-quarantine sa ospital.
Una nang ini-report ni Rafanan na may isang Pinay sa Italy na kumpirmadong nahawaan ng coronavirus pero nalaman lamang niya noong nasa Switzerland na sila dahil isinama siya ng kanyang employer.
Napag-alaman na kasalukuyang na siyang naka-quarantine sa Samidan hospital sa Switzerland.
Sa ngayon, sinabi ni Rafanan na umaabot na sa 7,985 ang nagpositibo sa COVID-19 sa buong Italy, base sa record na inilabas ng Coronavirus Emergency Commission sa nasabing bansa.