surigao 1

BUTUAN CITY – Nasa kustodiya pa ng pulisya sa bayan ng Sison, lalawigan ng Surigao del Norte ang driver ng Fuso mixer truck matapos nitong araruhin ang motorsiklong may sakay na tatlong magkamag-anak nitong nakalipas na araw.

Nakilala ang suspek na si Robert Salamero, 47-anyos, may asawa at residente ng Morong, Bataan na papunta sanang Cagayan de Oro City upang i-deliver ang nasabing sasakyan na in-order mula sa tinatrabahuan nitong trading corporation na nahaharap sa mga kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide at damage to property matapos mamatay ang lahat ng mga sakay sa motrosiklo.

Ayon kay PCaptain Giovanni Tindoy – hepe ng pulisya sa bayan ng Sison, nang umilaw na ang go sign sa traffic light na inilagay ng sa isang construction project ay tumawid sa kabilang lane ang mixer truck kung kaya’t nahagip nito ang motorsiklong sinakyan ng mga biktima pasado alas-6:20 nitong nakalipas na gabi.

Matapos ang insidenteng naganap sa national highway, Purok 5 ng nasabing barangay, dead-on-tahe-spot ang mag-asawang sina Vilma at Manuelito Capilitan, residente ng Purok 6, Brgu. San Pedro ng nasabing bayan habang nadala pa sa ospital ang 5-anyos nilang apong babae ngunit namatay din pagkalipas ng ilang minuto.

Lumabas pa sa kanilang imbestigasyon na amoy alak ang suspek na nakakulong ngayon sa Sison Municipal Police Station.