Patay ang tatlong pasahero ng Ceres bus matapos na ito ay mahulog sa bangin sa bayan ng Hamtic sa probinsya ng Antique.

Isa sa mga nasawi ay bagong graduate na lalaki kasama ang ina nito na idineklarang dead on arrival sa isang pagamutan.

Mayroong kabuuang 11 lulan ang bus kabilang ang driver at konduktor.

Ayon sa PNP mula sa Iloilo patungong San Jose, Antique ang bus ng mangyari ang aksidente Biyernes ng gabi.