Patay ang tatlong katao dahil sa pag-inom ng lambanog sa Los Baños, Laguna.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, nitong nakalipas na gabi ng Sabado nang magkayayaan umano ang tatlong magkakaibigan na mag-inuman ng lambanog sa Barangay Maahas.

Hindi na nagising pa ang isa at namatay ang dalawa habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Una rito, magugunitang na sa 20 katao na ang nasawi dahil sa pag-inom ng lambanog noong nakaraang Disyembre.