CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang tatlo katao at isa ang nasugatan sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.

Ang mga nasawi na sina Ansare Usop,31 anyos at dalawang menor de edad na nagkaka-edad 4 na taong gulang at 9 anyos.

Sugatan naman ang ina ng mga bata na si Baby Ana Kalim,27 anyos at mga residente ng Datu Hoffer Ampatuan Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Arnold Santiago na habang natutulog ang mga biktima sa loob ng kanilang tahanan ng bigla silang paputukan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan gamit ang M16 Armalite rifles.

Patay on the spot ang tatlo sa mga biktima at agad namang dinala sa pagamutan ang ina ng dalawang bata.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Hoffer PNP sa pamamaril sa mga biktima.