Patay ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos makasagupa ang tropa ng mga militar sa Sitio Kalibang, Brgy. Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro kahapon.

Batay sa naantalang ulat ng Police Regional Office 4B, alas-4:00 ng hapon kahapon habang nagpapatroly ang tropa ng 4th Infantry Battalion ng Philippine Army nang nakasagupa nila ang nasa mahigit kumulang na 40 miyembro ng NPA.

Tumagal ng ilang minuto ang bakbakan bago tuluyang umatras ang mga rebelde papunta sa direksyon ng Sitio Mawan.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga nasawing rebelde.

Narekober sa lugar ng engkwentro ang tatlong M16 rifle at isang AK47 rifle.