CAUAYAN CITY- Namatay ang 3 kasapi ng New Peoples Army (NPA) at tatlong iba pa ang sumuko sa naganap na sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at rebelde sa Barangay Rang-ayan, City of Ilagan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Brig. General Laurence Mina, Commanding Officer ng 502nd Infantry Brigade Phil. Army ang tatlong sumukong rebelde ay may alyas na Alvin, Jambi at Leslie

Tumugon ang mga kasapi ng 95th Infantry Battalion sa sumbong ng mga concerned citizen sa presensiya ng halos tatlumpong kasapi ng rebelde sa nasabing lugar na nagresulta ng engkwentro.

Ang mga rebelde ay kasapi ng pinagsanib na grupo ni Ka Brad ng RSDG at Ka Bang ng Central Front

Sinabi pa ni Birg. General Mina na iniwanan ng mga rebelde ang kanilang mga kasamahang nasawi kaya’t nakuha ng mga sundalo sa lugar kung saan naganap ang engkuwentro.