Arestado ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) ang tatlong most wanted persons sa iba’t ibang operasyon.

Sa ulat ni PNP AKG director Police Brigadier General Jonnel Estomo kay PNP chief Police General Debold Sinas, nahuli si Ronnie Togonon alyas Ondoy sa bisa ng warrant of arrest sa kasong qualified trafficking matapos gamitin sa prostitusyon ang isang 15 taong gulang na babae.

Sa Valenzuela City, naaresto si Odelon Pagason sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder dahil sa pagpatay noong 2002 sa Sorsogon.

Habang nahuli si Wilfredo Bunag, Jr. alyas Joker sa Malabon City sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape.

-- Advertisement --

Pansamantalang nakakulong sa AKG ang mga suspek habang hinihintay ang commitment order ng korte.