Malaking hamon ngayon ang hinaharap ng Toronto Raptors matapos na ma-injured ang tatlo nilang manlalaro.

Walang kasiguraduhang makapaglaro agad sina Pascal Siakam, Marc Gasol at Norman Powell matapos na magtamo ng injury noong talunin nila ang Detroit Pistons.

Nagkaroon ng groin injury si Siakam sa last quarter habang mayroong left hamstring injury si Gasol.

Lumabas naman sa playing court si Powell sa ikaapat na quarter ng magkaroong ng alitan sa ibang manlalaro kung saan nasaktan ang kaniyang kaliwang balikat.

Dahil sa mga injury ay posibleng hindi agad makapaglaro ang mga ito sa pagharap ng Raptors sa Washington Wizards ngayong Sabado.