midsayap cotabato sultan kudarat upi
Midsayap

(Update) CENTRAL MINDANAO – Grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang itinuturong pumatay sa tatlong magsasaka sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga nasawi na sina Ugie Bantas, Motalib Salungon at Esmael Sumunsang pawang mga residente ng Barangay Tugal, Midsayap, North Cotabato.

Ayon kay Midsayap chief of police, Lt. Col. Benito Rotia na habang naglalakad ang mga biktima sa Sitio Basak, Brgy Tugal, Midsayap ng bigla silang pinaputukan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan gamit ang M14 rifles.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Midsayap.

Patay on the spot ang mga biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Bago tinambangan ang mga biktima ay nanggaling sila sa irrigation canal ng NIA-12 at binuksan ang linya ng patubig patungo sa kanilang sakahan.

Tukoy na rin daw ng mga otoridad ang pumatay sa tatlong sibilyan at patuloy na ring pinaghahanap.