ILOILO CITY – Tatlo ang patay, habang tatlo rin ang sugatan matapos magbanggaan ang isang open tricycle at wing van sa Bangga Dawis, New Lucena, Iloilo.
Ang mga binawian ng buhay ay sina Angelito Somblingo, 33, driver ng open tricycle; anak nito na si Angelo, 14, at pamangkin na si Lance, 10, pawang residente ng Barangay Barasan Oeste Santa, Barbara, Iloilo.
Ang nasa kritikal na kondisyon ay si Mark Somblingo, 20; habang ang mga sugatan na nasa ospital ay sina Hilda Somblingo at Reymechian Gedoria, 10.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Shielo Garcia, witness sa insidente, sinabi nito na nagmula sa Iloilo City ang wing van na may kargang softdrinks at patungo sana sa Passi City.
Samantala ang open tricycle naman ay mula sa Brgy. Barasan Este, Santa Barbara, Iloilo at patungo sa Passi City nang mangyari ang insidente.
Sa ngayon nasa kustodiya na ng New Lucena Municipal Police Station ang driver na si Jimmy Ramos ng Imbang Grande, Passi City.