Reading Time: 1 minute

CAGAYAN DE ORO CITY-Umapela si Mindanao International Container Terminal port collector John Simon sa publiko na hanapin ang tatlong Korean national na umano’y mastermind sa pagkakapuslit ng mga basura sa Tagoloan Misamis Oriental.

Ito ay matapos bigla na lamang umanong naglaho sina Chul Soo Cho alias Charles Cho, Jae Ryang Cho at Sena Na matapos sampahan ang mga ito ng patong-patong na kaso.

Sinabi ni Simon na kailangang mapanagot, mapakulong at mapabalik sa Korea ang mga suspek dahil sa ginawa nilang kalapastanganan sa Pilipinas.

Pinababantayan na rin ng naturang opisyal ang mga pantalan at paliparan sa buong bansa.

Sina Charles Cho, Jae Ryang Cho at Sena Na ay siyang tinuturong utak sa dalawang beses na pagpasok sa mahigit anim na libong tonelada na mga basura sa nabanggit na bayan.