CAUAYAN CITY- tatlong katao ang isinugod sa pagamutan makaraang magbanggaan ang isang tricycle at kuliglig sa Brgy. Malasin, Ilagan City.

Sangkot sa naganap na aksidente ang isang honda tmx tricycle na minamaneho ni Mario Cachuela 52 anyos, may asawa, residente ng brgy. Carikkikan Sur, City of llagan at isang kuliglig na minamaneho ni Agustino Pambid Jr, 45 anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Carikkikan Norte, City of Ilagan.

Batay sa pagsisiyasat ng City of Ilagan Police Station , binabagtas ng dalawang sasakyan ang magkasalungat na direksiyon at nang dumating sa may pakurbang bahagi ng kalsada ay hindi nakontrol ng parehong tsuper ang kanilang mga minamaneho sanhi para magbanggan .

Dahil sa naganap na banggaan ay nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tsuper ng tricycle na dinala sa pagamutan habang ang tsuper ng kuliglig at ang kanyang misis na si Marilou Pambid, 43 anyos ay inilipat sa Cagayan Valley Medical Center dahil sa mga natamong sugat upang doon malapatan ng lunas.

Nagkakaroon pa rin ng malalimang imbestigasyon ang mga kasapi ng City of Ilagan Police Station kaugnay sa naganap na aksidente.