LA UNION – Nakakulong na ngayon ang tatlong suspek matapos itong mahuli ng mga otoridad dahil sa kasong syndicated estafa o PD 1689 sa bayan ng Rosario, La Union.

Nakilala ang mga ito na sina Jeric Sanchez, Lynette Mae Sanchez, at Jesica Valerio kapwa residente ng Barangay Amlang sa nabanggit na bayan.

Una rito ipanag-utos ng korte na hulihin ang mga ito sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ethelwolda Jaravata ng Regional Trial Court Branch 32 sa bayan ng Agoo na may petsang May 22, 2019.

Ayon naman kay PMaj Gary Anthony Casem, officer in charge ng Rosario Police, patuloy naman nilang hinahanap pa ang dalawang kasamahan ng mga ito na kasalukuyang at large.

Napag-alaman na walang piyansa ang kinakaharap na kaso ng tatlong suspek.

-- Advertisement --