Kinasuhan ng US Justice Department ang tatlong indibidwal na siyang na nasa likod ng pag-hack sa mga Twitter account ng ilang mga sikat na personalidad.

Kinilala ang mga ito na sina Mason Sheppard, isang 19-anyos na Briton na nagtatago sa pangalang Chaewon, isang Nima Fazeli, 22-anyos mula sa Orlando na nagtatago sa pangalang Rolex at isang 17-anyos na si Graham Clark.

Ayon sa mga mga otoridad ang mga inireklamo ay siyang mga nasa likod ng pag-hack sa Twitter account nina dating US President Barack Obama, philanthropist Bill Gates at Tesla Chief Executive Elon Musk.

Nasa kustodiya na ng FBI ang dalawang suspek at kanila pa itong iniimbestigahan kung may iba pang mga kasama ang mga ito.

Sinabi ni Hillsborough County State Attorney Andrew Warren , nagsampa sila ng 30 felony charge kay Clark dahil pagkulekta nito ng mga investment sa pamamagitan ng bitcoin na nakalikom ng mahigit $100,000.