KORONADAL CITY – Balik kulungan ang tatlong bagong laya na preso matapos mahuli sa anti-illegal drug operation ng mga otoridad sa dalawang lugar sa South Cotabato.

Dalawang mga suspek ay naaresto ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 at PNP sa bayan ng Tampakan.

-- Advertisement --

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 12 director Naravy Duquiatan, ang dalawa sa mga nahuli ay bunga ng operasyon ng kanilang hanay.

Kinilala ang mga ito na sina Ryan Roy “Tanonoy” Aserios, 27, residente ng Brgy. Maltana, bayan ng Tampakan.

Sumunod namang natunton ng mga otoridad si Earl Mark “Macmac” Aserios, 40.

Nakuha sa dalawa ang limang pakete ng pinaghihinalaang shabu, at hiwalay P6,000 halaga ng suspected shabu.

Sa hiwalay pang operasyon kasama ang pulisya, naaresto naman si Darwin Loplop, 35, na sinasabing parokyano ng mga unang nahuli.

Naaresto na raw dati ang tatlo dahil din sa iligal na droga, pero nakalaya matapos makinabang sa plea bargain agreement ng korte at kasalukyang nasa probation.

Inihahanda ng PDEA 12 ang kasong paglabag sa Comprehesive Dangerous Drugs Act laban sa mga ito.